This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

Wednesday, 14 October 2020

Nakakaawa! Video ng Lola na Pinalayas sa Tinitirahan at Itinapon ang mga Gamit sa Kalsada, Umantig sa Puso ng Netizens.

Isa sa pangarap ng mga magulang ay mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak, mapagpa-aral ng mabuti at makatapos upang magkaroon ng magandang trabaho.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Sa mga kabataan naman, kanilang tanging pangarap sa kanilang mga magulang ay mabigyan din ito ng maganda at komportableng buhay habang sila ay tumatanda. Isa itong reward sa kanila sa kabila ng kanilang mga sakripisyo sa kanilang mga anak.Kung kaya’t napakasarap sa pakiramdam kung nakikita mong nasa maayos ang iyong magulang.

Subalit, taliwas naman yata ang sitwasyon ng isang matandang babae na ito, kung saan nakunan pa ng video ang pagpapalayas sa kanya mula sa kanyang tinutuluyan.

Ayon sa isang Facebook page na nag-upload ng video mapapanood dito ang kaawa-awang Lola na pinapalayas sa kanyang tinutuluyan at tinatapon ang mga gamit niya sa labas. Ang nasabing video ay may caption na :

“Grabe naman sila kung palayasin si Lola. Makatao bang ihagis ang mga gamit at pagtabuyan ang pobreng matanda. Kayo na ang humusga kabayan”.

Sa kumakalat na videong ito na umabot ng 2:30 minutos ay mapapansin mong nag-aayos si Lola ng kaniyang mga gamit na itinapon sa labas ng bahay.

Maya-maya lamang habang siya ay nag-aayos ay makikita ang isang babae na nakatapis ng tuwalya habang ibinabato ang mga gamit ni Lola sa labas habang sinisigawan ito. Si Lola ay tahimik lamang na nagaayos ng mga gamit niya na itinapon ng babae.

Hindi raw umano makabayad ang matanda sa upa kaya maririnig sa video na nabanggit pa ng may-ari na hindi katangap-tangap ang mga lumang gamit ng lola bilang pambayad sa kanyang renta.

Mapapansin ding ipinagtatanggol ng kumukuha ng video ang lola na hindi na lamang nagsasalita at inaayos na lamang ang gamit na inilalabas ng may-ari. Nabanggit din ng kumukuha ng video na tila may napag-usapan na sila sa barangay na hindi muna dapat pinaalis ang kaawa-awang matanda. Umuulan pa naman nang araw na pinalayas ang lola kaya mas lalong naging mahirap ang kalagayan nito. Ngunit kahit anong pakiusap at pagtatanggol ng ng kumuha ng video, hindi na lumambot pa ang puso ng nagpalayas sa matanda.

Ayon pa sa kumukuha ng video hindi daw niya talaga mapipigilan magsalita ng masasakit dahil sa awa sa matanda. Dahil hindi makatao ang ginagawa pagpapalayas kay Lola.

“Oo nakiki-tira. Ilang taon yan nagsilbi sa inyo, Pinapasweldo niyo ba?!” Dagdag pa ng kumukuha ng video

Hindi naman natinag ang babae na nagpapalayas kay Lola tuloy lamang ito sa kakasigaw sa matanda na hindi masyado marinig ng maayos ang pinagsasabi sa video.

Paghaghamon pa ng kumukuha ng video sa nagpapalayas kay Lola:

“HIndi kayo naawa sa tao! Hinahamon ko kayo maglabas kayo ng titulo!”.

Mapapanood sa huling bahagi ng video na galit na galit ang kumukuha ng video sa angpapalayas kay Lola hindi niya na napigilan ang kanyang damdamin at nakapagmura at sinabihan ang mga ito na ang kakapal ng mukha sa pagpapalayas sa matandang babae.


Tuesday, 13 October 2020

Lalake, Nagpagawa Ng Kamangha-Manghang Replika Ng Noah’s Ark.

Naging pamilyar ang karamihan sa atin patungkol sa isang biblical story na Noah’s Ark. Simula pagkabata ay naging laman na ito ng mga bible study kung saan kinikwento ang pangyayari noong unang panahon kung paano naligtas ang iba’t-ibang uri ng hayop sa pamamagitan ng arko. Marami pa ang tumatawa noon kay Noah dahil sa kanyang paggawa ng malaking arko sa gitna ng mainit na panahon.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Subalit dumating ang isang di inaasahang delubyo kung saan umulan ng matagal at tumaas ang tubig, marami ang umaasang makapasok sa Arko ni Noah upang maligtas.

Dahil sa magandang estorya ng Arkong ito ,naging inspirasyon ng isang lalaki na taga Netherlands na lumikha ng isang replika ng Noah’s ark.

Sa ganda at elegante ng natapos niyang ark ay madami ang gustong makapunta dito. Sino kaya ang tao sa likod ng Noah’s Ark na ito?

Siya si Johan Huibers, ang lumikha ng replika ng Noah’s Ark na makikita ninyo sa mga susunod na larawan. Ayon sa kanya ay napanaginipan lamang niya ang paggawa nito at noon din ay nagsimula na siyang gumawa hanggang sa nagtagumpay siya sa paggawa ng naturang arko,

Siya daw ay nakagastos ng $1.6 million o mahigit 80 milyon pesos.

Ang arkong ito ay may limang palapag na may sukat na 75 na talampakan. Mayroon pa nga itong media room para sa mga bisita na gustong makinig sa istorya ng Noah’s Ark at mayroon din itong restaurant sa loob.

Upang maihalintulad talaga ito na parang sa totoong istorya ng Noah’s Ark ay pinasadya pa itong ukitan ng mga hayop sa buong dingding ng 5 palapag na arkong ito. Mga elepante at alligators ang makikita ninyong nakaukit sa replika na ito.

Ang replikang ito ay isang paalala sa ating lahat na magtiwala sa panginoon at e hayag ang ating mga saloobin at problema, kaulad ni Noah na gumawa ng Arko kahit pa man marami ang  hindi naniniwala sa kanya, subalit mas sinunod niya ang utos ng panginoon na walang alinlangan.

Hindi man natin siya pisikal na nakikita ay nandyan lamang siya lagi sa ating tabi upang tayo ay araw-araw na gabayan. Palagi lang tayong magdasal at mas lalo pang patatagin ang ating pananampalataya at paghingi ng kapatawaran. Dahil kung wala ang Panginoon sa ating buhay ay wala tayong silbi dito sa mundo.


Isang Batang May Hika, Ginagamitan Ng Tire Pump Dahil Walang Pambili Ng Nebulizer

Bilang isang magulang ay doble ang hirap kapag nakita mong nagkakasakit ang kanilang mga anak. Kung pupwede nga lang ay sila na lamang ang aako sa sakit ng kanilang mga anak, Yan ang pagmamahal na lubos ng isang magulang.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Talagang napakagastos magkasakit, kaya mas mag-ingat pa lalo tayo sa panahon ngayon. Mayroong mga sak!t katulad ng asthma na nakukuha mula pagkasilang pa lamang o inborn. Kaya naman ang gamot o maintenance para sa mga ito ay talaga namang mabigat sa bulsa.

Ang 8 taong gulang na bata na si Lee Begnotea ay na-diagnosed na mayroong bronchial asthma noong siya ay 2 taong gulang pa lamang. Kaya sa tuwing naeexpose siya sa mga allergens at inaatake siya nito ay nahihirapan siyang huminga.

Ngunit imbes na nine-nebulize sana siya ay gumagamit na lamang ang kanyang ama ng tire pump o pambomba ng gulong na ikinonekta sa tubing patungo sa nebulizer cup at mouthmask. Sa paraan kasi na ito ay nadi-difuse ang nebule upang hindi na mahirapang huminga si Lee.

Noon ay mayroong ginagamit na nebulizer ang bata ngunit simula ng masira ito ay hindi na ito napalitan gawa ng kapos sila sa pera lalo na’t ang kanyang ama ay kakaunti lamang ang kinikita sa pagkokopra. Ang kanyang ama lang rin ang tanging bumubuhay sa kanilang pamilya dahil ang nanay ni Lee ay kailangan siyang tutukan at alagaan.

Payo sa kanila ng doktor na hindi safe ang paggamit ng tire pump dahil mayroon pa ring mga kemikal na maaaring sumama sa hangin na nailalabas nito at maaaring makasama pa sa kalagayan ng bata. Ngunit dahil wala naman silang pambili ng bagong nebulizer ay tinitiis na lang muna ito ni Lee.

Sa tuwing ginagamit ang improvised na nebulizer, ay dahan-dahan itong binobomba ng kanyang ama sa loob ng 5 minuto hanggang guminhawa ang paghinga ni Lee.

“Kasi minsan, sumasama yung anak ko sa trabaho. Wala namang kuryente doon. Yun, dinadala ko yung bomba. Pag inatake, nahirapan siya ding maghinga,” wika ng ama.

Samantala, isang netizen ang nagpost sa social media tungkol sa kalagayan ng bata. At sa kabutihang palad ay nakaabot ang istorya ni Lee sa mga kinauukulan. Kaya naman mayroong mga taong nag-abot ng tulong sa bata pati na rin sa kanilang pamilya.

Nabigyan rin siya ng bagong unit ng nebulizer upang hindi na muling gamitin ang tire pump bilang pang-nebulize. Nagbigay rin sila ng mga gamot para sa kondisyon ng bata at nahandugan ng scholarship hanggang sa siya ay magkolehiyo.

Sana ay patuloy ng bumuti ang kalagayan ni Lee.


Monday, 12 October 2020

Pamilyang Aeta, Tinaggihang Isakay ng Kilalang Bus Liner, Inireklamo ng Netizen.

Hindi lamang sa bansang Amerika ang mayroong lahing puti at itim, sa Pilipinas binubuo rin tayo ng iba’t ibang lahi, may lahing maitim, puti at ang kayumanggi. Sa panahon ngayon na moderno at iba na ang takbo ng mundo, hindi maitatagong mayroon pa ring mga katutubo na naninirahan sa kasuloksulokan ng mundo at mayroong sariling kultura. Kabilang sa mga ito ang mga aeta, na kadalasan ay naging tuksuhan dahil sa kanilang kaibahan, sa kanilang maitim na kulay at kulot na buhok at sa uri ng pananamit. You May Also Read: OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa. Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants Noon ay pumipermi lamang sila sa kanilang lugar na sa mga bulubunduking dako ng bansa, subalit ngayon may mga edukado at propesyunal na ring mga aeta na nagtatrabaho sa mga sibilisadong lugar. Isa na rin sa mga dahilan kung bakit may mga aeta na bumababa ng bundok ay dahil sa wala na silang makain doon, dulot rin minsan ng mga ilegal na aktibidad ng mga tao at sa pa iba-ibang klima ng bansa. Katulad rin natin, kapag hindi tayo nasanay sa isang lugar mas naging delikado ang ating kalagayan dahil sa malaki ang tsansang maloko tayo at kutyain ng ibang tao. Katulad na lamang sa nangyari sa pamilyang ito sa isang bus station na naging trending rin sa social media matapos makunan ng video ng isang concerned netizen. Ibinahagi ng netizeng si Mikhael Petito ang pangyayari sa isang pamilya ng aeta na sasakay sana sa airconditioned bus pero hindi ito pinasakay. Makikita sa larawan na ang pamilyang aeta ay tahimik na nag aabang sa dadaang bus, subalit ilang beses ng pumara sila ay hindi man lamang binigyan ng pagkakataong makasakay. Payak ang kanilang kasuotan at may mga bag na dala-dala sa likuran na siguro ay kanilang mga damit at iba pang importanting kagamitan. Dahil sa nangyari sa kanila, isang netizen ang nagbigay ng tulong at yun ay si Petito kung kaya’t nakasakay sila sa isang mini bus na dumaan. Dahil sa nangyaring ito, ipinagbigay alam ni Petito sa pamunuan ng Victory Liner ang nasaksihang pangyayari at ipinaalala ang pagkakaroon ng mamamayang Pilipino ng pantay na karapatan kahit na ibang lahi pa man. “Hi Victory Liner Inc,. may existing rules ba kayo na namimili ng sasakay? Agad namang tumugon ang kompanya ukol sa reklamo ni Pepito at nangangakong bibigyang pansin ito. ” I agree with you, that all of the PUV’s should not select their passengers. All are equal and should be treated the same as the others. Aetas are also Filipino’s, are humans therefore they should be treated as one.” sagot ng Victory Liner Company. Kaya magsilbing aral po sana ito sa ating lahat, na hindi basehan ang panlabas na kaanyu-an ng isang tao para bawalan at limitahan sa kanyang mga karapatan.
http://nationspressfeed.pinay.cloud/2020/10/12/pamilyang-aeta-tinaggihang-isakay-ng-kilalang-bus-liner-inireklamo-ng-netizen/?utm_source=dlvr.it&utm_medium=blogger

Aso Na Nawala Ng 4 Taon, Muling Natagpuan ng Amo Dahil Sa Social Media

Ang mga makabagong teknolohiya at invention ay may malaking tulong sa sambayanan, isa na rito ay ang lawak na magagawa ng internet at social media. Lahat naman ng mga bagay ay may maganda at masamang naidudulot sa tao, ngunit naka dependi pa rin ito kung paano mo kontrolin ang sarili mo sa mga bagay na ito. You May Also Read: OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa. Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants Ang social media sa ngayon ay may malawak na sakop at maraming nagagawa sa buhay ng tao, ang magkalayo na pamilya ay pwede niyang paglapitin, ang mga nawawala ay madaling makikita dahil sa mabilis na pagbabahagi ng mga tao na umaabot sa kasuloksulokan ng mundo. Katulad na lamang sa pangyayaring ito kung saan ang isang aso na ang pangalan ay si Bonbon, ay 4 na taon nang nawawala dahil nawalay sa kanyang mga amo noong isinama ito sa isang car trip. Pebrero 16, 2015 nang huling makasama ng nagmamay-ari na si Nang Noi Sittisam at kanyang asawa ang kanilang alaga noong bibisitahin sana nila ang kanilang anak na si Khon Kaen. Ngunit nang pabalik na sila sa bahay, ay napansin na lamang ni Nang Noi na nawawala na ang kanilang aso noong nag-stop over sila sa isang gasolinahan. Suspetsa nila na maaaring tumalon ang kanilang aso sa bintana habang hinihintay na mag-go ang stoplight at hindi nila ito napansin. Dahil dito ay binalikan nilang muli at hinanap ang kanilang alaga ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nila ito natagpuan. Ilang linggo, buwan, at taon ang nakalipas ay inakala na lang ng mag-asawa na baka mayroong nangyaring masama sa kanilang aso at wala na ito. Ngunit sa kabilang banda, ay mayroong isang babae na nakilala bilang si Saowalak ay natagpuan ang aso na si Bonbon sa gilid ng daan. Araw-araw ay lagi niyang nakikita roon ang aso na buto’t balat kaya naman dahil naawa siya rito kaya niya ito hinahatiran ng pagkain. Isang netizen ang lumapit sa babae at naitanong ang istorya ng aso. At sinabi nga ng babae na araw-araw raw nandoon lamang sa gilid ng kalsada ang aso na tila parang may inaantay kaya hinahatiran na lang niya ito ng pagkain. Mula noon ay ipinost ito ng netizen sa social media hanggang makarating ito sa totoong may-ari ng aso. Laking gulat nila na makalipas ang 4 na taon ay buhay pa ang kanilang alaga at sa wakas ay muli nila itong natagpuan. Hindi lamang ganitong kwento ang ating naririnig, marami pang mga pangyayari na masasabi nating naging matagumpay dahil sa social media. Ngunit pakatatandaan na maging maingat pa rin sa paggamit nito ng hindi maabuso at maloko ng masasamang tao.
http://nationspressfeed.pinay.cloud/2020/10/12/aso-na-nawala-ng-4-taon-muling-natagpuan-ng-amo-dahil-sa-social-media/?utm_source=dlvr.it&utm_medium=blogger

Sunday, 11 October 2020

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Noong panahong wala pang pandemya at normal ang galaw ng mga tao, tuwing pasukan ng klase ay makikita mong naging abala ang lahat sa pag aasikaso ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak. You May Also Read: OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa. Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants Kadalasan ay excited pa nga ang mga kabataang ito dahil sa mga bagong biling gamit sa kanila tulad ng mga notebook na may larawan ng kanilang paboritong artista, mga bag ,uniporme at sapatos. Pero sa kabila nito may mga mag-aaral din na pilit naging masaya at excited sa pagpasok kahit walang bago sa kanila dahil dulot na rin ng kahirapan. Subalit mayroon namang mga magulang na ma ideya at susubukin na gawin ang lahat mabigyan lamang ng mga bagay na ikasasaya ng kanilang mga anak. Katulad na lamang po ng isang mapagparaang ama na ito na ginawan ng sariling bag ang kanyang anak na hinangaan naman ng ibang mga magulang. Nagtrending ang amang ito dahil sa kanyang tinahing bag para sa anak na nagustuhan naman ng mga netizens, isang hand woven bag ang kanyang ginawa upang gamitin ng kanyang anak sa pasukan ng klase. Isang guro ang nagbahagi ng larawan na ito na kinilalang si Sophous Suon, ito ang bag ng kanyang mag-aaral na taga Battambang Province sa Cambodia, isang kulay asul na gawa sa raffia strings na nagmula sa isang fibrous plant na katulad ng abaca. Ang bata naman ay si Ny Keng, first grader pupil sa Lumphat Primary School. Nalaman ng guro na dahil sa kakapusan sa pera, walang maibili na bagong bag ang ama ng bata, sa kagustuhan naman ng kanyang anak na magkaroon ng bagong bag katulad ng iba niyang kaklase, kaya napag isipan niyang igawa ng sariling bag ang anak. Dahil sa maganda at husay na pagkakagawa ng bag, marami ang na-impress lalong lalo na ang guro ng bata, kaya kinunan niya ito ng litrato at proud na ibinahagi sa social media. Kung titingnan ay napaka simple ng bag at mayroon itong maliit na lock at straps pero sobrang mataas ang kalidad nito dahil gawa ito sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Hindi man ito kasing bago at ganda ng bag ng kanyang mga kaklase, pero ang halaga nito ay hindi kayang pantayan ng anu mang bagay sa mundo, walang presyo ang sakripisyo at pagmamahal ng magulang sa kanyang mga anak. Napahanga rin ang mga netizens at marami ang nagsabi na pwede itong gawing hanapbuhay ng kanyang ama at baka ito pa ang maging daan sa pagbago ng buhay nila.
http://nationspressfeed.pinay.cloud/2020/10/11/ama-na-hindi-makabili-ng-bagong-bag-sa-anak-ipinagtahi-ng-bag-ang-anak-na-kinamangha-ng-mga-nakakita/?utm_source=dlvr.it&utm_medium=blogger

Modus sa mga ‘Baby Photo Liking Contest’,Ibinuking ng isang Concerned Mommy.

Ngayong panahon na madalas naka permi na lamang sa mga bahay ang mga Ina ng tahanan, mas nagkaroon sila ng oras sa kanilang pamilya lalo na sa pag-aalaga ng kanilang mga anak. Naging madalas din ngayon ang pa contest online. You May Also Read: OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa. Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants Ito ay tinatawag nilang “liking photo contest” na kung saan dapat ay maraming likes/reactions ang larawan ng isang bata upang ma i deklarang nanalo. “Paki-pusuan naman po ‘yung picture ng baby namin at paki share .” ‘Yan ang madalas na mababasa ng mga taong minsan ng naimbitahan na mag-like ng picture bilang suporta sa isang baby o anak ng kakilala nila na kasali sa isang ‘Photo Liking Contest’. Subalit, may isang concerned netizen ang nagbunyag ng di umanoy modus sa mga ganitong liking contest. Narito ang kanyang  pagbubunyag: So ayun na nga. Medyo naiinis na kasi ako sa mga mention nang mention sakin sa mga baby photo liking contest na yan. Ohh baka may magsabi jan “Parang react lang, ipinagdadamot mo pa.” Hindi po ganon. Let me explain. Medyo disappointing lang kasi nagpapauto kayo sa mga page na yan. Na hindi nyo alam, pinagkakakitaan lang nila mga walang kamuwang muwang nyong Anak at pinaghahakot pa kayo ng iba pang mauuto. (Kasi additional points daw sa baby nila pag may invites. Lol) Here’s my thoughts about it. May nakita kasi akong page na parang hindi naman ata makatarungan yung prizes. Anyways, buhay nyo naman yan at opinyon ko lang naman ito. Feel free to bash me kasi lakompake. Let’s say may 350 kids na kasali per batch tapos ang registration fee ay P100, sooooo. 100 × 350 kids = 35,000 Ayan na agad yung total na kita nila sa isang batch. Tapos ganito yung mga prizes. GRAND WINNER- 6,000 1st runner up- 3,000 2nd runner up- 2,000 3rd runner up- 1,500 4th runner up- 1,000 Top 6 to Top 10- 500 (500 × 5 = 2,500) Top 11 to Top 20- 100 pesos load/GCash (100 × 10 = 1,000) Special awards- 100 pesos load/Gcash (100 × 7 = 700 kasi 7 lang naman yung nakita ko don) And by computing it, nasa 17,700 lang yung total of prizes nila. Imagine Mommy, ganun kalaki nakukubra nila? Halos 50% sa registration fee ng mga babies nyo. So magkano nga ulit yung registration fee? 100 LANG? Tapos 350 kayong kasali? Aba Meses, para ka nga namang nanunundot ng tungaw sa tyansa mong manalo. Kaya, Momshiiee! GISIINNGG!! Sayang na ang pera mo, pinagkakitaan pa Anak mo. So ayun lang naman. Hahahahahaha. Again, OPINYON KO lang ang lahat ng ito. At the end of the day, bahala ka parin sa buhay mo. Your Child, Your rules. Realtalk ko lang to mga Mars ha? Pero kung ang ilalaban nyo sakin eh yang certificate of participation jan, jusko. Gawa nalang ako ng sakin para di sayang 100 ko. Di pa ko napagod kakamention sa friends kong di ko naman kaclose. PS. Kaunting kaalaman. Alam nyo ba na kapag may business ka ay kailangan registered ito sa DTI at BIR lalo na kung malaki na ang kinikita mo dito? Kapag hindi ka rehistrado, magiging illegal ang business na isinasagawa mo. Nawa’y nakuha nyo ang punto ko sa PS na ito.
http://nationspressfeed.pinay.cloud/2020/10/11/modus-sa-mga-baby-photo-liking-contestibinuking-ng-isang-concerned-mommy/?utm_source=dlvr.it&utm_medium=blogger

Saturday, 10 October 2020

Ama, Sinasamahang Naglalaro sa Ginawang Hukay na para sa Anak nyang may Taning na ang buhay.

Bilang magulang, kakayanin ang lahat maibigay lamang ang mabuting buhay sa mga anak nito. Subalit, papaano kung ang iyong anak ay may taning na sa mundong ito? Talagang sobrang sakit para sa mga magulang na siyang nagbigay buhay sayo. Wala ng ibang hiling ang mga magulang kundi ang kasiyahan at kaginhawaan ng kanilang anak,kung kaya’t […]
http://dlvr.it/RjM44x

Vice Ganda thanks his boyfriend Ion for hugging him amid sadness over what’s happening to his life this year

Kapamilya comedian Jose Marie Viceral popularly known as Vice Ganda thanked his boyfriend Ion Perez for always being there amid the problems she faced this year.

In his latest vlog, Vice opened up about the challenges he faced amid the crisis happening in the Philippines, including the shutdown of his home network ABS-CBN.

He also talked about being afraid to be infected by other people.

“Takot na takot akong mahawa. Takot na takot akong magkasakit… Takot na takot akong tuluyang magsara ang ABS-CBN kasi mawawalan kami ng mga trabaho. Hindi lang dahil sa pera, of course, factor ang pera, totoo ‘yon kailangan natin ng pera, pero ‘yung thought na hindi na ako magtatrabaho. Hindi na kasi ako sanay na hindi nagtatrabaho,” said Vice.

“Yung thought na mawawalan ako ng platform para makapagpatawa at saka ‘yung fact na ‘yung supporters ko hindi ako makikita, hindi ko maririnig ang madlang people, takot na takot ako roon,” he added.

“So ang natitira sa akin ‘yung mga kasama ko sa bahay. Tapos ‘yung isa sa pinakamahalagang kasama ko sa bahay, ‘yung best friend ko, nawala. Hindi ko maintindihan bakit, kung paano,” he also said.

He was thankful that Ion was beside him during the challenging times to hug him.

“Hindi ko alam akung anong mangyayari sa akin kung nangyari ang lahat ng ‘yun na wala si Ion sa tabi ko para yakapin ako kapag umiiyak ako, para yakapin ako kapag nanginginig ako sa takot,” he said.

As of November 2019, Vice and Ion is in a relationship after they met on It’s Showtime.



Inubos ng Milyonaryong ito Lahat ng Kaniyang Pera at Ari-arian upang Ipamigay sa mga Lubos na Nangangailangan

Naging tanyag ang pangalang Ali Banat sa social media dahil pala sa busilak nitong puso, isang Australian Businessman na sa murang edad pa lang ay isa ng may ari ng Security at Electrical Company. Ipinanganak siya sa Australia noong Pebrero 16, 1982. You May Also Read: OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, […]
http://dlvr.it/RjL5Mp

President Duterte to Facebook: “What would be the point of allowing you to operate if you cannot help us?”

President Rodrigo Duterte has a strong warning to Facebook after the said company disabled several pages connected to the military and the police.

In his latest speech on Monday, Duterte said that the government was expecting the said social media platform to help the government in promoting their advocacy including the fight against CPP-NPA.

The President also asked why Facebook should still be allowed to operate in the country.

“Itong Facebook naman, from what I learned in the past days, na pati yung advocacy ng gobyerno tinatanggal. We allow you to operate here, hoping that you could help us also. Now, if government cannot advocate something which is [for] the good of the people, then what is your purpose here in my country?” said Duterte.

“You know Facebook, insurgency is about overturning the government. What would be the point as it is before, in my eyes. What would be the point of allowing you to continue if you cannot help us?” he added.

“Tell me kung bakit hindi ko magamit para sa kapakanan ng taong bayan? Government cannot use it for the good of the people? Then we have to talk,” he also said.

Duterte pointed out that many lives of innocent civilians and soldiers were losing because of the rebellion happening in the country.

“Kung hindi tayo magkaintindihan netong Facebook na ‘to, I really do not know. But my job is to protect government interests, If you cannot help me protect government interest, then let us talk. We may or we may not find the solution.” he said.

“You cannot lay down a policy for my government. I allow you to operate here. You cannot bar or prevent me from espousing the objectives of the government. Is there life after Facebook? I don’t know,” he added.

A few days ago, Facebook announced that they removed several Facebook page showing support to President Duterte and some of them were also connected to the military and police.

A Facebook page being managed by parents of children allegedly recruited by the communist group was also removed.



Friday, 9 October 2020

Netizens, kinilabutan sa enforcer at Navy reservist na inilagay ang ulo sa loob ng isang ice box sa Navotas

Hindi mapigilan ng mga netizen ang kilabutan matapos mapabalita ang kalunos lunos na nangyari sa isang navy reservist at traffic enforcer.

Noong Oktubre 1 ay natagpuan ang isang ice box na may lamang ulo ng isang lalaki sa Barangay Sta. Cruz sa Maynila.

Nakilala ang biktima na si Oliver Ignacio Esguerra, 37, residente ng Barangay San Roque, Navotas City.

Ayon sa report ng pulisya ay huling nakita si Esguerra habang may kausap sa harapan ng Navotas City impounding Area noong huling Huwebes.

Habang may kausap ang biktima ay may biglang pumarada na itim na SUV malapit sa kanilang kinatatambayan.

Noong sasagutin ni Esguerra ang tawag sa kanyang telepono ay bigla na lamang lumabas ang mga lalake sa loob ng itim na SUV at kinaladkad ang biktima papasok ng sasakyan.

Nakita na lamang muli si Esguerra na ulo nalang ang natitira at nasa loob ng ice box ng ilang tricycle driver sa Sta. Cruz.

Hanggang ngayon ay hindi pa malaman ang dahilan kung bakit nagawa ng mga suspek ang krimen.

Hindi parin natatagpuan ang katawan ni Esguerra.

Kumalat naman sa social media ang uncensored na litrato ni Esguerra at umabot na ito ng libo libong shares.

Hindi naman maitago ng mga netizen na may mensaheng pinapahiwatig ang mga suspek sa likod ng pagkitil sa buhay ni Esguerra.



DepEd Makes Revelation on Private Schools’ Enrollment Amid COVID-19 Crisis